Thursday, April 23, 2009

Makipagtalakayan sa CONDOR-PISTON


IMBITASYON SA MEDIA

Reference: Joel Ascutia – President, CONDOR-PISTON (0915.3199469)

Iniimbitahan namin kayo bukas (Abril 24) sa "URULAY-ULAY MANUNGOD SA SEKTOR KAN TRANSPORTASYON" (USAPAN TUNGKOL SA SEKTOR NG TRANSPORTASYON),
alas 9 ng umaga sa CNY Fastfood sa Satelitte Bus Terminal sa Legazpi City.

Bakit laging tumataas ang presyo ng langis?

Ang pana-panahong akyat-baba ng presyo ay bahagya at bunga ng ispekulasyon. Tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan dahil sa tumitinding desperasyon ng kapitalista upang palakihin ang tubo sa pamamagitan ng ispekulasyon.

Hindi mga artipisyal na pagbabago sa suplay at demand ang nagbubunsod sa pagbabago ng presyo ng langis ---- ang mga ito ay nililikha lamang ng mas mapagpasyang kapangyarihan sa industriya ng langis, ang imperyalistang US.

Ang US ang pangunahing imperyalistang bansa na kumukontrol sa pandaigdigang industriya ng langis.

Ang nagdidikta ng saligang presyo ng krudong langis sa pandaigdigang pamilihan ay ang kartel ng mga dambuhalang transnasyunal na mga korporasyon. Habang kontrolado nito ang eksplorasyon, repinerya at distribusyon ng produktong petrolyo, tiyak na hindi mahihinto ang pagtaas ng presyo nito.

Bakit tinututulan ng CONDOR-PISTON ang US-RP Balikatan military exercises?

Ang US-RP Balikatan military exercises ang instrumento ng imperyalistang US upang mapanatili ang geopolitical na mga interes nito sa Asia-Pacific region. Sa taunang Balikatan exercises sa bansa, patuloy na nakakapagmantini dito ng presensya ng tropang US kahit wala nang base militar.

Nakasaad sa 1995 East Asia Strategy Report ng US Department of Defense: ang presensya ng pwersang militar ng US sa Asya ay mahigpit na nakaugnay sa pang-ekonomya at iba pang interes ng US sa bahagi ito ng daigdig, ang forward deployment ng tropang US ay absolutong rekisito upang maprotektahan ang mga kontrolado nitong “market” at mga interes nito.

Ang Balikatan military exercises ay instrumento ng imperyalismo upang higit pang dambungin ang yaman ng mga bansa, kabilang na ang Pilipinas. Ito ang nagtitiyak na tuluy-tuloy na nasa kontrol ng US ang global market.

Ang Balikatan military exercises ay panlulupig sa soberanya ng bansa. Ang malakihang pagpasok ng tropang Kano sa bansa ay panghihimasok sa kasarinlan at integridad ng Pilipinas.

Imperyalismong US, Kaaway ng Mamamayan

Pandarambong sa Ekonomya, Tutulan

Panlulupig sa Soberanya ng Bansa, Labanan

US Troops Out Now!


No comments:

Post a Comment